Growing One Another (Tulung-Tulong sa Paglago)

Discipleship in the Church

Discipleship was one of the central themes of Jesus’ teaching, yet it is not a major emphasis today for many churches. This short study guide explores the Bible’s teaching on discipleship, showing the centrality of discipleship in the Christian life.

This study guide was made possible in partnership with Treasuring Christ PH. Visit their website here.

Pagdidisciple sa Local Church

Nang tinawag ni Jesus si Pedro at Andres para iwanan ang kanilang gamit sa pangingisda at sumunod sa kanya, tinawag niya sila sa isang bagong buhay. At kapag tinawag ni Jesus ang bawat isa sa atin para maging disciple, tinatawag rin niya tayo sa isang bagong buhay.

Ang pagsunod kay Jesus ay nangangahulugang siya ang papakinggan, titingnan at susundin natin. Kakamuhian ang kinakamuhian ni Jesus at iibigin ang iniibig ni Jesus.

Ito rin ay pagtulong sa iba na gawin din ang gayon. Pagkatapos ng kanyang resurrection, inutos ni Jesus sa kanyang mga tagasunod na humayo at gawing tagasunod rin niya ang marami pang tao, turuan silang sumunod sa lahat ng kanyang iniuutos.

At makikita natin sa buong pag-aaral na ito ang disenyo ng Diyos na ang local church ang pangunahing konteksto ng disciple making. Itinatag ng Diyos ang church para sa pagpapatunay, pangangasiwa at pagpapalago ng marami pang mga tagasunod ni Jesus.

Ang lahat ng ito ay posible dahil sa ginawa na ni Jesus para sa atin. Binayaran na niya ang parusa para sa ating mga kasalanan. Ipinagkasundo niya tayo sa Diyos. May bagong buhay at bagong pagkatao na tayo dahil sa ating pakikipag-isa sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Dati tayong mga rebelde sa Diyos. Ngayon tayo ay malugod na nagpapasakop na sa Hari ng mga hari, at iniibig natin ang kanyang mga utos.

Sa pag-aaral na ito, pagtutuunan natin ang paglago kay Cristo at pagtulong sa ibang gawin din iyon – sa mga local churches. Pag-aaralan natin ang mga ito:

  • The need for discipleship
  • The definition of discipleship
  • The motivations of discipleship
  • The means of discipleship
  • The enemy of discipleship
  • The end of discipleship

Ikaw ba ay nagsusumikap na lumago kay Cristo at tulungan ang ibang gawin din iyon? Ang aming panalangin ay makatulong ang pag-aaral na ito na magawa mo iyon nang mas matapat.

Select Language

Free Download

Download the book "Growing One Another (Tulung-Tulong sa Paglago)" in Taglish for free! A download link will be sent to your email after filling out this form. By giving us your information you agree to be contacted by 9Marks or our Taglish partners by email. You will be able to unsubscribe at any time.

  • Free Download